It is a story of a young man looking for true love and a miserable young lady who's full of family responsibilities. What will happen if this two souls meet?
One day, isang araw, habang abala ako sa paglalaba, may kumatok sa pinto.
"Ay naku, ke aga-aga meron na agad bisita? naku! baka si Aling Wentita na naman to. Baka singilin na naman ako ng upa ko dito sa bahay. Wag naman po sana..." Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Surprise!!!! sabi ng isang baklang puno ng kulurite ang mukha.
"Ay pwit mo! (Sino to?), ah, eh, mawalang galang na po. Sino po kayo? tanong ko sa kanya.
"Ay naku girlalu, ako ito... ang fairy god mother mo!!!, sabay hug sa akin. May pabeso-beso pang nalalaman ang baklang to.
"ah, eh, talaga? sige nga, tuparin mo nga ang mga wishes ko kung talagang fairy ka? eh mukha kang clown sa karnibal, mawalang galang na po...
"Tong ga***ng to? hoy, gumising ka nga! di mo ba ako nakikilala? ang kababata mong si Bernardo Atondukan to! Si Adong, oh, oh, tingnan mo ang fes ko, si Adong to Kimpipay Tinapay, si Adong!... pinagmumulat ang mata ko at nginungodngod ang mukha niyang puro pulbo at make-up at iwan ko kung ano pang amoy ang naamoy ko habang malapit ang mukha nya sa mukha ko.
"Adong? ikaw na ba yan? Ay oo nga! Adong ikaw nga!!! Pero teka ka lang? hindi bakla noon ah? bakit ngayon eh bekekang kana? habang hawak-hawak ko ang kamay nya.
"Ay ateng, mahabang istorya. Oh ano, dito na lang ba tayo sa lalabas maglalandian? Ay teka lang, may hugasan ka ba dito? Akala ko kasi chocolate yung naupuan ko kanina sa traysikel kaya kinuha ng kamay ko, nung sininghot ko, Put*** tae pala ng batang naunang naupo sa akin. Sige na, sa'n banyo nyo?
"Lang hiya kang bakla ka, eh! mahigpit na mahigpit pa naman hawak ko sa kamay mo kanina, yun pala di ka pa nakapaghugas? inis na sabi ko kay Adong na ngayon ay Athena na sa gabi.
"Wag ka nang magalit amega, uy kumusta na nga pala nanay mo? tanong ni Athena habang naghuhgas ng kamay sa lababo.