Sabi nila ang buhay ay hiram lang natin sa may likha. At ang tunay na buhay ay nasasaktan at nadadapa. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kasiyahan bagkus ang totoong buhay ay puno ng pait, sakit, galit, at takot. Ito ang kuwento ng buhay ni Jena. Isang babaeng lumaki sa hirap ngunit may malaking pangarap. Pangarap para sa pamilya, sa lipunan, at pangarap na lubos na makapagpapasaya sa kaniya---ang makabuo ng sariling pamilya. Kayanin kaya niya ang realidad ng buhay? Matupad kaya ang lahat ng kaniyang nais? Halina't samahan niyo si Jena sa kaniyang paglalakbay.
5 parts