Ang lalaki raw mabilis magsawa - kanina mahal ka, ngayon hindi na. At mamaya lang, may iba na. Hindi raw sila consistent. Hindi loyal. At lalong hindi marunong magseryoso. Puro laro lang ang alam. Mahilig lang daw sa tawag ng katawan pero hindi sila emotionally stable sa pagmamahal. Ang babae raw mababaw - nagagalit sa maliliit na bagay. Natutuwa sa mga walang kwentang dahilan. Puro outer lang raw ang gusto. Mabilis magbago ng isip lalo na ng mood. Mahirap intindihin, mahirap din umintindi. Mahilig magpakumplika at hindi raw psychologically stable sa love. Eh ba't di kaya natin sila pagpalitin para maramdaman nila ang nararamdaman ng kapwa nila? Sabagay, mas madaling mag-judge kesa umintindi, right? So ano na nga? Pagpapalitin na ba natin sila? Game! Let's shift them. Ano kayang feeling nila no? Edi basahin mo para malaman mo! Hindi sapat ang description at summary sa isang libro. Dapat basahin mo lahat para maintindihan mo. Kasi kapag hindi mo binasa, hala! Baka ma-shift ka rin, sige ka. Haha! Biro lang. Happy Reading :)