May mga bagay na hindi natin napapahalagahan dahil nabubulag tayo sa kung ano ang kasalukuyan nating nakikita at nararamdaman. Madalas natin sisihin ang kung sino sa mga bagay na nangyayari sa atin without realizing the cause of the problem. "Everything happens for a purpose". May dahilan ang lahat at nasasayo na yun kung paano mo ito titingnan ayon sa pananaw mo sa buhay. Sa mundong ginagalawan natin, malimit na natin ma-appreciate ang ganda ng paligid dahil nakatuon ang ating pansin sa negative side nito.. pero alam niyo na sa bawat umagang dumarating, may mga hindi tayo napapansin. Mga reminder kung gaano tayo ka blessed at kung gaano tayo kamahal ng lumikha sa atin.