Hi. Ako si Len. Fourth yr college, taking BS Finance. Mabuti akong estudyante. Kaya nga imbis na naghahanap ako ng trabaho ngayon o dapat nagtratrabaho na ko by this time eh nag aaral pa rin ako. Hahaha! No, nag transfer kasi ako ng school kaya nadagdagan ako ng 1 yr. :) Hindi ako nag shift ng course, at baka hindi lang 1 yr ang madagdag. Hahaha!
Tahimik akong nilalang. Pero once na makilala mo ako o maging close tayo, malalaman mong may tinatago rin pala akong kakulitan. At uso pala sa akin ang mag joke. Hahaha! In short, masayahin ako. :)
Ako rin yun tipong kapag may ginusto, dapat makuha ko. Dahil kung hindi, hindi rin ako natigil hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko. Hahaha!
Lumaki kasi akong sunod ang luho sa magulang. Yun tipong isang hirit ko lang sa kanila, nandyan na. Bigay agad. Astig diba? Pero syempre, bilang ganti sa mga binibigay nila, sinusuklian ko ito ng mga awards na nakukuha ko sa school. Oh diba? Mabait din naman akong anak. Hindi naman ako yun take lang ng take. Nagbibigay din naman ako. :)
Sa love naman, ayy dyan tanga ako. (Masama magsinungaling e!) Tanga kasi ako, lalo na sa pagdedesisyon. Heart over mind kasi eh. (Nuon) Sabi nga nila, "ganyan talaga ang buhay". Kailangan nalang natin tanggapin at mag move on para maging okay na uli.
Well, anyway, may ginawa akong short story. Ito ay base sa aking karanasan. :) Pinamagatan ko itong "MHYNE" dahil ito yun tawagan namin. And for me he's my greatest love. Sana ay may mapulutan kayong kalokohan ayy aral pala kung mayron man. Lol.