Dapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mahirap ay ipaglalaban ni Cindy ang pagmamahal niya sa binata. Ngunit may hadlang, tutol ang ina nito sa knilang pag-iibigan dahil may nakatakdang babae para rito. Cindy was hurt, kahit ayaw niya, kailangan niyang iwan si Lester upang hindi magkaroon ng hidwaan ang mag-ina dahil sa kaniya. Pero 'di pumayag si Lester at sinabi sa kanya na handa siyang ipaglaban nito kahit ano pa ang mangyari, ang mahalaga magkasama sila at walang iwanan........