(COMPLETED) Matapos na mawala ang kanyang ina, wala nang natira kay Caspian Rufus Torres maliban sa kanyang bahay-ang huling regalo ng kanyang ina sa kanya. Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi na siya nakakita pa ng rason upang manatili roon dahil ang kanyang tita, ang huli at katangi-tanging kapamilya na kilala niya, ay nagbago ang pakikitungo sa kanya. Pagkaraang maglayas nang walang kasiguraduhan sa patutunguhan ay nakilala at tinulungan niya-mula sa mga taong nagbabanta ng buhay nito-ang pinakasikat na Doktor ng kanilang probinsiya: Doctor Andrey Seavey. Umalok ito ng scholarship at ng dormitoryong matitirhan-bagay na hindi niya tinanggihan dahil wala na siyang ibang choice. Akala niya ay sinuwerte na siya. Ang tanging humahadlang lang sa kasiyahan ni Caspian ay ang anak ni Doctor Seavey at ang magiging dorm mate niya-walang iba kundi si Othello Mateo Seavey. Ngayon, naiwan si Caspian sa dalawang desisyon: ang magpatuloy sa paninirahan doon sa dormitoryo habang sinusubukan naman ni Othello na paalisin siya, o umalis at magpalaboy nalang sa daan. Ang pangalawang nabanggit ay halatang hindi magandang desisyon. ~~~ Disclaimer: As someone who believes that love is universally shared, this is my attempt to write modern world's narratives and realities-which features same-sex relationship and actions. Kung hindi ka fan ng genre na 'yan, I'd love to respect that. However, kung wala ka namang magandang masasabi, then you have all the freedom in the world to skip this. Thank you!✨