Maraming roleplayers ang nasa Roleplay world, madalas pag roleplayer ka, may ka relationship or in short ka-RS ka.
Si Kyla Palomo ay isang roleplayer,sobrang dami nyang naging ka-RS, as in SOBRA, di naman sa malandi sya........ okay malandi nga sya pero sa RP world lang naman eh..... de joke, pati sa totoong buhay malande sya, pero ginagawa nyang katatawa ang kalandian nya, pati sa RP world ginagawa nyang katatawa ang kalandian nya hanggang sa makilala nya si Mark Jet Pascual.
Na-inlove sya kay Mark, sa sobrang inlove nya di nya namalayan na nasasaktan na pala sya, edi iyun, umiyak sya, pinagbilinan na kasi sya ng kanyang mga kaibigan na wag magmamahal ng sobra kasi lahat ng sobra masakit, sobrang pagkain, nakakasakit,sobrang pagtulog, nakakasakit,sobrang panonood ng anime, nakakasakit, at syempre, sobrang pagmamahal............nakakamatay. Pati kasi yung mga kaibigan ni Kyla nasasaktan, physically.
Sundan nyo nalang yung kwento ni Kyla para kiligin kayo.
Maganda, sexy, matalino, at mayaman. 'Yan si Harper Dominique Arqueza ang nag-iisang anak nang isang kilalang Bilyonaryo sa Pilipinas at sa ibang bansa. Maraming nagkakandarapa sa kanyang mga mayayaman ring lalaki ngunit tanging ang bumihag sa kanyang puso ay ang boyfriend niyang anak ng isang senador. Kaya naman nang siya ay lokohin nito, nawasak ng sobra ang puso niya lalo na noong malaman na matagal na siya nitong niloloko. Kaya naman para makaganti sa panloloko nito at sa babaeng papakasalan nito ay gagawin niya ang lahat masira lamang ang ex-boyfriend at ang fiance nito.
Ngunit dahil ba sa pagdating ni Rylan Jopierre Jainar na kapatid nang fiance nang ex-boyfriend niya ay masisira ang paghihiganti niya sa mga ito? O, ito ba ay laro ng tadhana upang matagpuan niya ang tamang lalaki para sa kanya?
Love In Between Revenge by Kyeopshe