Si Veera Eugenio ay isang senior high school student sa bansang South Korea-sa kanyang murang edad ay marami na siyang binubuhat na responsibilidad, kasama na roon ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya. Mayroon siyang isang nakababatang kapatid na mayroong special needs or Autism, ngunit sa kabila noon ay hindi nagbago ang pagmamahal niya rito-mas lalo pa niya itong minahal dahil sa kanyang mga kakulangan. Mayroon ring isang dakilang ina si Veera, pinapasok nito ang kahit na anong marangal na trabaho makapaglagay lamang ng pagkain sa ibabaw nang kanilang mesa. Sa kabila ng kasipagan nang kanyang ina, ang kanilang pamumuhay ay hindi kaylanman naging madali para sa bawat isa. Si Veera ay isang mabuting anak, kapatid, kaibigan, tutor, estudyante at isa sa kabataan na natututo pa lamang na tumayo sa kanyang sariling mga paa at nag uumpisa pa lamang nagkakaroon ng sarili niyang buhay... Makakaya niya kayang panatilihin ang kislap sa kanyang mga mata at ngiti sa kanyang mga labi-sa kabila nang walang katapusang problema at hamon ng buhay na kanyang kahaharapin? O Pipiliin na lamang na mamuhay sa mas madaling buhay-sa loob ng isang panibagong mundo-kung saan ang kanyang mga emosyon at agam-agam ang naging daan upang mabuksan ang lagusan papunta rito?