hindi ko alam saan ako babaling,saan ako tatakbo...kanino ako ako iiyak,hindi dahil hiniwalayan ako ng boyfriend o nawalan ng trabaho.sa halos tatlumpu at apat na taon ko dito sa ibabaw ng mundo ito na yata ang pinakamasakit na parte ng buhay ko...ang aking ina,oo ang aking ina ang dahilan, ngayon ay nakaratay sya sa banig ng karamdaman,cervical cancer,stage 4,God...nadudurog ang puso ko,para akong kandilang unti-unting nauupos,iniisip ko pa lang na gigising ako isang umaga na na wala na sya para na kong pinapatay. napakahirap magpakatatag kung ang dahilan ng panghihina mo ay isa rin sa dahilan kung bakit ka malakas.wala akong karapatan para magreklamo at magtanong sa Diyos,ano nga bang magagawa ko kung langit na ang nagdidikta ng mga bagay na magaganap,napakasakit,napakahirap,nakakawala sa sarili.mahigit pa ito sa isang libong pagkabigo. ang tangi ko na lamang magagawa ay manalangin,humingi sa Diyos ng konti pang panahon upang makasama ang babaeng naging daan para ako ay isilang sa mundo,Lord,please...panahon pa po.
1 part