Bilang unica iha ng pamilya De Dios, madali lang para kay Saoirse Marie De Dios na makuha lahat ng gusto niya. Halos nasa kanya na rin ang lahat, looks, wealth, family status, talent, at syempre di mawawala ang katalinuhan niya, sa iisang bagay lang talaga siya sablay: sa pagkuha ng atensyon ng utlimate crush niyang si Kuro Suson. Halos magpasagasa na siya't lahat lahat pero wala parin siyang nakukuhang kahit isang sulyap man lang, mas lalo pa itong lumayo sa kanya. Pero nang may malaman siya tungkol kay Kuro ay tila naliwanagan siya, may iba na palang pinupormahan ang binata at almost 3 years na niya itong nililigawan and to make it much more worse sinagot si Kuro ng girl. Wala namang ibang magawa si Saoirse kundi ang tanggapin nalang ang lahat, kalimutan na si Kuro ang mag-go on sa buhay niya but fate is against with it. Nagulat na lamang si Saoirse nang malaman niyang may video sa phone niya kung saan makikita ang GF ni Kuro na nakikipaghalikan sa ibang lalaki sa likod ng school building. Now, what would Saoirse do? Will she grab the chance to get close to the man she likes? But how can she, when he already hates her?