KJr's POV "Rana." Tawag ko sa pangalan niya ngunit mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. "Kinakausap kita, hindi mo ba ako naririnig." Hindi niya ako pinansin. Talagang ginagalit ako ng babaeng ito. "Hey." Hinatak ko ang kamay niya at pinaharap siya sakin. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Tila isang bula na nawala ang galit ko at napalitan ito ng pag-aalala. "Answer me. Goddammit!" Tumitig ito sa mga mata ko. "I'm sorry Kyle." "What the hell are you talking about?" "I'm pregnant." Nagsimula ng tumulo ang luha niya. Dahan dahan kong binitawan ang kamay niya. Biglang nanlambot ang buo kong katawan. "What? Akala ko ba--- " "Nakaligtaan kong uminom ng pills. Kasalanan ko ito kaya wala kang kailangan panagutan sakin." "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Rana. Masisira ang buhay nating pareho. Paano yung pangarap mo, yung pangarap ko?" "Wala akong magagawa, nandito na to. Anong gusto mong gawin ko ipalaglag ko?" "Wala akong sinabing ganyan. Tang*na." May narinig kaming yapak na papalapit samin. "Change your clothes. Mamaya na natin pag-usapan to." Sabi ko at galit na umalis sa harapan niya.