









"I know I always be okay because I have your love." Lumaki si Lorin na walang kinilalang ama. Ngunit sa halip na ma-depress siya, minabuti niyang magkaroon ng magandang outlook sa buhay. Nakilala nya si Lino, ang lalaking guwapo sana ngunit mukhang puno ng galit sa mundo. At nang minsan tangkain niyang makipagkaibigan dito, tahasang tinalampak siya nito na hindi nito kailangan ang isang tulad niya. Kaya ngayon labis ang pagtataka niya na ito naman ang lumalapit-lapit sa kanya. Ano ang motibo nito? O sadyang na-amuse lamang ito sa kanya dahil mukhang ngayon lang ito nakakilala ng babaeng ang weakness ay ang pagkahilig sa chocolate?
More details