"they say if you look someone on the eye you will see the ocean but in my case i saw the whole universe." Gusto lang naman ni Matt na maging piloto, maglakbay sa himpapawid at abutin ang langit. Taliwas man sa kanyang kagustuhan, pinili niyang sundin ang kanyang ama. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagtahak sa ibang landas makikilala niya si Rye , ang taong magpapakita sa kanya ng kagandahan ng kalawakan, Ang taong magpapatibok sa puso niyang matagal ng nahihimlay sa kawalan. Magagawa pa kaya niyang tahakin ang landas na nais ng kanyang ama kung may ibang landas na gustong tahakin ang kanyang puso. The Universe Of You.