Ika-17 ng nobyembre sa taong 2051, muling babalik ang mga espanyol para sakupin uli ang bansang Pilipinas. Si Gov. Elliseo Gonzales Solecidad at ang kanyang asawa na si Elysabeth G. Solecidad ay binigyan ng misyon upang talunin ang mga kastila na nagtatangkang sakupin ang Pinas at mapanatili muli ang kaayusan ng bansa sa tulong ng kanilang unica hija na si Elyse G. Solecidad na babalik sa taong 2020 upang baguhin ang nangyayari sa hinaharap, Habang ang kanyang magulang ay pilit na nilalabanan ang mga kastila na nagsisimulang sakupin ang Luzon. Babalik si Elyse sa panahon kung saan hirap na hirap maghanap ng pagkakakitaan ang mga tao para makapag lagay ng pagkain sa mesa. Magpapalit anyo o ipo-portray ni Elyse ang ninuno ng mommy elysabeth nya na si Elliana Gonzales. Haharapin ni Elyse ang hirap na dinanas ng mga estudyante sa modular at online learning na paraan ng pag-aaral. Kahaharapin ni Elyse ang problema sa panahon ng pandemya bilang ang anak ng Presidente ng Pilipinas.