Si Ryzen ay isang ulilang lubos na sa kaniyang ama. Binawian ito ng buhay noon sa kanyang trabaho, nang minsang magkaroon ng isang hindi ina-asahang aksidente sa pinagtatrabahoan niyang construction site. Hanggang sa nakahanap nang bagong mapangasawa ang kanyang inang si Loraine. Isang single-dad ang nakilala nito at sa isang linggo na lamang, lilipat na ang mga ito sa kanilang pamamahay upang makituloy. Ang bagong asawa ng kaniyang ina na nagngangalang si Simon, na may dalawang anak; ito ay sina Xavier at Sheena. Matagal-tagal na ring pinapangarap ni Sheena ang magkaroon ng makakasama nila na magsisilbing mother-figure na baliktad naman ang nais ng kaniyang kapatid na si Xavier. Si Xavier ay intimidanteng lalaki na ayaw makisalamuha sa mga taong hindi nito lubos na kilala o gusto. Sa unang pagkikita pa lamang nila ng step-brother na si Ryzen, alam na niyang hindi sila magkakasundo dahil hindi siya nakararamdam ng anong pakielam sa binata. Paano kung ang dalawa ay natutunan na kilalaning lubos ang isa't isa at sa hindi ina-asahang pagkakataon ay mahulog sa kani-kanilang sarili? Ano na lamang ang kanilang gagawain kung sakaling ang kanilang mga magulang ay tumutol sa kanilang pagmamahalan? Will they fight for their relationship? Let's find out on the next chapters. ©️ All Rights ReservedAll Rights Reserved