Lara Montaragnon, is a hard working woman in the seaside of Isla Nabor located in Mindoro. 21 years old already at hindi pa tapos magaral. Ulila na nang lubos si Lara simula noong 17 pa siya dahil napsama sa isang trahedya ang kanyang magulang sa isang barko na lumubog kung saan ang mga ito ay nakasakay. Walang kapatid kaya nagiisa na lamang si Lara na itinataguyod ang sarili, hindi na rin nakapagaral dahil sa hirap ng buhay. Ang hanapbuhay na lamang ni Lara ay magbenta ng isada sa palengke, isda na lagi niyang inaabangan sa mangingisda ng Isla Nabor kada dadaong ang mga ito. Nagpepresinta siya at hinahati niya ang kanyang kikitain sapat na para sa kanyang pang araw araw na pang gastos minsan din naman ay naghahanap din siya ng mga opportunity na matatrabaho niya katulad na lamang ng paglalaba. isang araw magaalasais na at papasikat na ang araw ay nagmamadali siyang pumunta ng dagat dahil sa balitang maraming huling isda, papalapit na siya nang may natanaw siya sa kanyang rightside, malayo ito kaya tinitigan niya muna ito nang mabuti hanggang sa unti unti niya itong nilapitan. Pagkalapit niya ay napatakip siya sa kanyang bibig at nagsimula ng nagsisisigaw. Nakita niya ang isang lalaki na nakahandusay sa gilid ng dagat na duguan.