Note: Pwede niyo pong mahiram para sa mga school task, or assignment ang mga tulang nasa aklat na ito. Salamat.
Date Started: Oct. 24, 2021
Date Finished:
___________
Bagaman piping saksi sa mga nakikita, subalit bukas ang isipan sa mga kaganapan. Salitang itinitik sa dibdib, bakas ng pandemya ay naiguhit ng tinta gamit ang pluma.
Basahin ang mga tulang pumapaksa sa isyung sa lahat ay lantad, ang pandemyang kay dami ng nawasak, pamilya, buhay, ari-arian at pagkatao. Lipunang binalot ng bulok na sitwasyon, itinali ng tanikalang sa kalansing palang ay hindi na halos matiis pang marinig.
Tulang sa paraang ito ay matutugunan ang mga hinaing, maibsan ang ilan sa problemang hila-hila ang sinuman.
___________
Pandemya: Ang Iginuhit na Marka
ni: JackBlaireJackson