Sa mundong to kung wala kang mataas na katungkulan, walang material na bagay, walang kapit sa taas, at higit sa lahat ay wala kang pera, Hindi pantay ang pag trato sayo. Oo, ito ang reyalidad pag mahirap ka ay mamaliitin ka lamang. Kayamanan ba talaga ang basihan para masabi na ang isang tao ay marangal? Kayamanan ba ang kasagutan sa mga nag hahangad ng hustisya? Para saan ang kayamanan kung wala ka naman nasasandalan? Wala kang pamilyang uuwian? Mahalaga pa ba ang pera sa iyong kasiyahan at kasiyahan ng iba? Para saakin ang pinaka importanting tao sa Mundo ay pamilya at lahat dapat ay ituring na pantay-pantay mahirap man o mayaman.