[COMPLETED] Elara Calliope Borja is a working student. And at the age of 22, she got pregnant by her partner. Natatakot siyang ipaalam kay Xzavier dahil baka hindi nito matanggap ang kaniyang pinagbubuntis. Until one day she decided to tell Xzavier that she's pregnant. Labis ang kabang nararamdaman niya noong araw na iyon. Maayos pa ang pag-uusap nila noong una pero nang isingit na ni Elara ang tungkol sa dinadala niya ay labis itong ikinagulat ni Xzavier. Pero sa kabilang dako ay sobrang ikinatuwa ni Xzavier ang sinabi ni Elara. Hanggang sa pumasok sa isipan niya ang kaniyang ina. Ito ang dahilan kung bakit niya nasabi ang hindi niya dapat sabihin. At dahil nga sa sinabi ni Xzavier ay labis na nasaktan si Elara kaya napagdesisyonan niyang magpakalayo-layo at buhayin na lang mag-isa ang bata. Sa paglipas ng panahon ay paano na lang kung ang anak niya na mismo ang humiling na gusto nitong makita at makilala ang kanilang ama? Itutuloy pa ba ni Elara ang pagtatago sa kanila o gagawin na lang niya ang kagustuhan ng anak alang-alang sa kaligayahan nila? Date started: August 20, 2022 Date finished: October 31, 2022
39 parts