Nang malaman ko ang pakiramdam ng maiwan at ang pakiramdam ng mawalan ay saka ko lamang naintindihan ang tunay na kahulugan ng masaktan. Lalo na kapag iyong mga umalis ay hindi na pwede pang bumalik. Lalo na kapag yung mga nawala ay hindi na pwedeng mapalitan pa. At kapag alam mo na ang pakiramdam ng masaktan, hindi mo gugustuhing maranasan din ito ng iba... lalo na ng mga mahal mo sa buhay. Pero paano kung dumating iyng araw na ikaw naman ang kailangang magpaalam? Magagawa mo ba silang iwan? Magagawa ko kayang umalis upang mailigtas ang mundong aming tinitirhan? Magagawa ko nga bang magbitiw ng pamamaalam para mailigtas silang lahat? Nangako ako na hindi ko sila iiwan... Pero kasama sa mga pangakong binitawan ko ang protektahan din sila.. Kaya naman ibibigay ko ang lahat-lahat para lang matupad iyon... kahit pa ang sarili kong buhay. *** Saving Avallonne Written by: Elneena Genre: Fantasy, Adventure, Romance Language: Taglish DISCLAIMER: Cover is not mine.