“Wala akong paki alam kung ano sasabihin nila. Kung ano ang magiging reaction ng kuya mo na bestfriend ko!! Ang gusto ko lang naman ay malaman mo na mahal na mahal na mahal kita at hinding hindi yun magbabago!” sabi ni Howard na naiiyak na at bigla na lang akong niyakap ng mahigpit. “Mahal din kita Howard. . .Mahal na mahal. . Pero.. . . . ” Bigla siyang humiwalay sa akin at tinakpan ang bibig ko ng daliri niya. “Please Brianna, huwag muna ngayon. Wala muna pero pero. Ngayon lang! Gusto ko maranasan na maipahiwatig kung ano talaga ang nararamdaman ko. For once, gusto ko masabi, masigaw yung pagmamahal ko sayo. Yun lang! Masaba ba yun?? Hindi naman ah. Nagmamahal lang naman ako. Bakit bawal? Bakit hindi pwede??” Naiyak na ako. Mahal na mahal ko ang taong to! At alam ko mahal na mahal din niya ako. Pero ang daming nakahadlang eh. . .All Rights Reserved