"O edi lumabas din, pinaalis mo nga din kami!! Kasi ako, alam ko din na pwesto ko yan eh, kaya panatag akong walang ibang magtatapang umupo dyan! Unless ikaw ang magsasabi at magpapaalis samin. Pero sige, nalate ako. Alam mo? Kung ikaw yung nalate, ireserba kita eh! Akala ko lang din na ganun ang gagawin mo!" Maiyak-iyak si Andre sa galit ng malaman nyang napaalis sya sa upuan nya sa tabi ng best friend nyang si Jinn. Mas ikinainis pa nya ng malamang ang nililigawan nito ang uupo sa pwesto nya. Kay Andre, hindi lang ito basta sa pang-aagaw sa kanya ng kanyang upuan. Kung hindi, sa pang-aagaw sa pwesto nya sa buhay ni Jinn. First year pa lang sila ay Kuya Jinn na nya ito. Nagsimula ang lahat sa isang pagkakaibigan na sa sobrang pagkakalapit ay hindi na napigilang mahulog at magmahal ng higit pa sa isang kaibigan. Her Kuya, her best friend who also happens to be her first love and her first heart break... A true story of unique friendship turned in to something they both didn't expected. Together let's find out if is it really "Lucky to be in love with your best friend"?
29 parts