Nazlyn Gem Hermosa A.K.A "Naz"---ang babaeng hindi naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Ang babaeng dinaig pa ang ampalaya sa sobrang ka-bitteran. For her mas mabuting pang ituon ang atensyon sa pag-aral at pagtratrabaho kaysa sa pagla-lovelife because love is just a waste of time---para sa kanya. Well...tingin niya kasi ang love ang sumira sa pamilya niya, ang dahilan kung bakit sila iniwan ng papa niya at kung bakit namatay ang mama niya. Para sa kanya delikado ang sobra-sobrang pagmamahal, nakakabaliw and worst nakakamatay. Para sa kanya gawa-gawa lang ang happily ever after para sa mga batang mahilig sa fairy tales. Jericho Andrei Herera A.K.A "Jeric"--- the CEO of J.A.H Group of Companies, the hot boss of Naz and speaking of hotness kasing hot din ng appearance niya ang ulo niya, suplado, super strict, sobrang seryoso. It just that he don't like mixing his personal life and his work. Para naman sa kanya True love is beautiful and being in love is a sweet wonderful feeling. Pano kung isang araw malaman ni Naz na malapit na tiyahin pala ng boss niya ang babaeng dahilan kung bakit nasira ang pamilya niya. Ang dahilan kung bakit sila iniwan ng papa niya na siyang dahilan din kung bakit namatay ang mama niya. Ang tinutukoy na babae ng tiya Neana niya na first love pala ng papa niya. Ang babaeng matagal na niyang gustong paghigantihan. Pano kung isang araw maisipan niyang gamitin ang boss niya para makapaghiganti sa babaeng iyon. At magagamit lang niya ang boss niya kung paiibigin niya ito, kaya niya kaya? Pano kung isang araw mapaibig niya nga at mapasubo sa problemang pinasukan niya? Mapapatamis kaya ni Boss Jeric ang kasing pait ng ampalayang puso ni Naz? O mahahawa na rin sa ka-bitterang taglay ni Naz si Jeric? Magtatagumpay kaya si Naz sa plano niya? Or will she be trapped on her own trap? Ang pag-ibig parang cocktail maybe nakakalasing pero masarap sa pakiramdam, may malalasahan mang pait pero may halong tamis.All Rights Reserved