Nagbago ang takbo ng buhay ni Shisu nang makapasa siya sa entrance exam para sa isang scholarship program sa Paramount University. Doon niya natutunang tumayo sa sariling mga paa. Kahit pa sabihin na kaya niyang makapasok sa prestihiyosong unibersidad na 'yun na wala 'yung exam o scholarship, subalit kagustuhan niyang hindi i-asa ang lahat-lahat sa karangyaan na mayroon ang pamilya niya. Nais niyang diskubrihin ang buhay sa labas ng kanilang mansion. Nais niyang tingnan ang mga bagay sa sariling mga pananaw. Isang malawak na pagtuklas ang panibagong mundo na pinasok ni Shisu. Kung saan, he was put on a ground na kailangan niyang mamili at manindigan-- mga bagay na nahihirapan siya. May mga lihim din na he wished he didn't find out or wished he'd known sooner. Mga lihim na nagpapahina sa kanya. Sa gulong o laro lalo na sa buhay at pag-ibig, anong alas kaya ang meron siya para manalo sa huli? ---- The Unseen Side of the Moon Written by Rem (orion_skin)