Sabi nila kapag may gusto kang sabihin sa isang tao ngunit hindi mo ito masabi ng direkta, tumitig ka lamang sa langit tuwing sasapit ang gabi at pagmasdan ang makikinang na mga tala. Pinaniniwalaan nila na ang mga nais mong iparating sa taong iyon ay makakarating sa kanila. Ibulong mo ang mga natikom na salita sa iyong damdamin. Aminin mo ang mga lihim na matagal nang nanahan sa iyong pagkatao. Ang bagay na ito ang naging daan ni Chrysantha upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig para sa isang binatang seminaristang si Jimuel. Ang mga bituin, ang mga buwan at ang kalawakan. Ang paghugis ng nararamdaman sa lipos na mga kandila, may maiiwang sindi ng pagmamahal ngunit ang malakas na batingaw ng pagtawag ang yaring kumakalampag. May pag-asa bang magkatuluyan ang dalawa kung gayong nakatakda nang mag pari si Jimuel? O lilihis ang mga paa ng kanilang tadhana at tataliwas sa kung anong mayroon sila?
More details