tadhana // ikatatlong serye ng pag-ibig
Si Anastacia, isang binibini na binansagan bilang isang perpektong binibini sapagkat ang lahat ay nasa kaniya na. Kagandahan, katalinuhan, karangyaan, at kabaitan. Halos nasa kaniya na ang lahat. Siya ay tunay na ipinagpala ngunit hindi sa isang bagay na naghahari sa puso ng lahat, sa salitang pag-ibig.
Umiibig sa isang heneral na handang gawin ang lahat upang makamit ang salitang hustisya, si Khalil Leviano Santiago. Isang ginoo na nagtataglay ng pambihirang katapangan at katalinuhan. Ang kababata ni Anastacia na kahit kailan ay hindi siya nagawang ibigin.
Kasabay ng kaniyang pagbabalik sa bayang kaniyang pinagmulan ay ang pagbabalik din nito, ang pagbabalik ng kaniyang iniibig. Wala siyang ibang nagawa upang tulungan ang sarili sapagkat sa paglipas ng mahabang panahon ay hindi pa rin nagbago ang itinitibok ng kaniyang puso, patuloy pa rin nitong isinisigaw si Khalil.
Paano niya matutulungan ang kaniyang puso gayong nagsimula na ring dumating ni Sergio sa kaniyang buhay? Ang kapatid ni Khalil at nagbibigay hangarin na makuha ang puso niya. Paano niya iibigin si Khalil nang malaya sa kabila ng tadhanang pumipigil sa kaniya? Magagawa niya pa rin kayang lumaban at hindi sumuko?
Hanggang wakas ay magagawa pa rin kayang tumibok ng kaniyang puso para sa salitang pag-ibig?
date started: september 28, 2021
date written: november 12, 2021
date finished: december 3, 2021
© aestheticess, 2021. All Rights Reserved
Read more