"ay boyfriend ko nga pala", "i love you sweetheart", "Baby, tayo na hanggang dulo ah.".
Hay nako, nakakaintrigang mga salita mula sa kabataan sa panahong ito.
Ilang taon ka na? 13, 14, 15? Beh, bata ka pa. Sige, sabihin na nating mahal mo siya, mahal ka rin niya, pero mas mahal ang tuition, kaya aral muna ah?
Ako'y isang 15 year old na babae, 3rd year ako sa school at awardee pag dating sa academics. Kasapi nga rin pala ako ng student council board at team captain ng mathematics team namin. Lumaki kasi ako na pag-aaral ang aking prioridad. "books over boys" nga ang motto ko eh. Ako yung tipong babae, na sobrang seryoso sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-aaral ko. Ako yung babaeng handang isangla ang pag-ibig para lang matapos ko ang mga hangarin ko sa buhay.
Pero bilang isang batang babae, naranasan ko rin namang magkagusto sa lalaki. Oo, nagkagusto kasi ako sa bestfriend ko. Naging okay naman friendship namin, matino, at malakas. Nang lumipas ang ilang taong pagkakaibigan namin, umamin narin siya. Oo, malakas talaga hatak ng temptation eh.
Yung moment na crush ka rin ng crush mo <3 ay shoxx! oh diba? Paraiso mo ito!
Pero lahat ng bagay may katapusan. Hindi mo alam na deadline na pala. Tatakbo takbo ka sa kalsada, may dead end pala sa dulo. Ayun, natapos rin kami.
Masakit. Sobrang masakit.
Natakot na kong magkagusto ulit sa kahit sinong lalaki, pero natuklasan ko na may lalaking nagmamahal sa akin higit pa sa nalalaman ko, hindi niya ko paiiyakin, di paaasahin, di sasaktan, di iiwan.
oo, mahal ako ni Papa God, mahal ka rin niya. At ito ang pinakamagandang Paraiso na makakamtan ko. :)
Message from the writer: "I've got the best lovelife yet. With God."
- Khaila Garcia
This story is intended for reading purposes only and not my original work. I do not own the rights to this story.
Please be aware it contains mature content and may not be suitable for all audiences.
Reader discretion is advised.
You have been warned!!