Sabi nila, ang love daw ay masaya, masarap sa pakiramdam at higit sa lahat napapatatag ka.
Naranasan mo na bang ma inlove? naranasan mo na bang maging masaya na para bang nasa ulap ka sa tuwa? Kung oo, mapalad ka. Bakit? may mga taong pinag-sisiksikan ang sarili sa taong walang pakealam sa kanila. May mga tao ring umiiyak dahil pinag-palit sila. Mga taong ginagawa ang lahat para lang mahalin din sila, mga taong nagpapakatanga kahit pa sobrang sakit na talaga.
Kaya kung nahanap mo na ang taong naitadhana para sayo, masasabi kong mapalad ka. Mapalad ka dahil tapos na ang pag-hihirap mo, na hindi mo na kailangang mag-kandarapa para mapansin ka ng taong mahal mo.
Ang hirap no? kung ang love napapasaya ka, bakit hindi nalang laging masaya para walang problema? bakit kailangang may pag-hihirap pa kung sa huli eh kayo naman talaga?
Ang pag-ibig ay magulo, pero kahit na anong gulo nito, handa ka bang sumugal para lang sa pag-ibig na to?