Life is full of options, options, options. Lagi tayong pumipili, minsan madali, minsan mahirap.
Mula sa paggising hanggang sa pagtulog, kailangan mo ng choices.
Isang araw, nakatanggap ka ng note sa isang cafe na madalas mong tambayan tuwing maiisipan mong mag-photography. Hindi lang iyon nangyari sa raw na iyon, kundi maging sa mga sumunod pang nga araw. Ang kinaiinis mo, photographer ka, pero hindi mo mahuli kung sino ang mystery note sender mo.
Naisipan mong makipagkontsaba sa kaibigan mong hulihin kung sino ba 'yong taong nagpapakilig sa iyo dahil sa mga notes na iniiwan sa table mo. Pero laking gulat mo nang malamang 'yong baristang crush mo ang nagbibigay nito. Kasabay nito ay nagtapat din ang kaibigan mo sa'yo.
Dito na sumakit ang ulo mo. Another options, another decision to make. Pililiin mo ba ang kaibigan mong matagal mo nang kakilala, o susubukan mong piliin ang taong gusto mo talaga?