
Marami man ang humahanga sayo,mga nagkakagusto sayo,pipilitin kong maging akin ka kahit na malabong mapa-sa akin ka. May mga bagay talaga na gusto nating mapasatin kahit na malabo itong mangyari.Pero kailangan nating tanggapin na hindi ito pwedeng mapasaatin. CHAPTER 1: Bata palang si Bella ay iniwan na sya ng kanilang ama,Kaya mag isa ang kanyang ina na nagtataguyod sa sa dalawang magkakapatid.Kinakaya naman ni Cora ang lahat ng pagsubok na dumadating sa kanyang pamilya kahit wala syanb katulog sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak.Nabibigay naman nya ng maayos ang mga pangangailangan ng dalawang anak,ndi naman kinakapos sa pagkain at mukhang napalaki silang dalawa ng maayos ng kanyang ina.Bunsong kapatid ni Bella si Bernice sya ay sampong taong gulang at si Bella naman ay labing anim na gulang na.Tinutulungan naman ni Bella ang kanyang ina sa pagtitinda ng gulay sa palengke.Habang nag-aaral. (Sa bahay) Nanay cora:Mga anak bumangon na kayo,nakahanda na ang pagkain.Kain na habang mainit pa. Bella:Papunta na po nay.(sabay gising sa kapatid nya).Bernice?kakain na sabi ni nanay.Bumangon kana dyan,sabay na tayong bumababa. Bernice:Sige ate,ligpitin ko lang tong hinigaan ko. (Nakababa na ang dalawa) Nanay Cora:Maghilamos na muna bago kumain. (Tapos ng maghilamos ang dalawa.) Nanay Cora:Umupo na kayo,at magdasal. (Tapos ng magdasal) Nanay Cora:Sige na kumain na kayo. (Nagsimula ng kumain ang mag iina ng biglang binalita sa tv na magkakaroon ng concert ang hinahangang k-pop group ni Bella). Bella:Nay gusto kung manood ng concert. Nanay Cora:Kapag nagka-pera ako anak,bibigyan kita ng pambiling ticket. (Sobrang saya ni Bella sa narinig sa kanyang ina) Bella:Salamat nay.(sabay yapos sa ina). Nanay Cora:Sige na,tapusin na ninyo ang pagkain at pupunta pa ako sa palengke para mamalengke. Bella:Samahan ko na kayo nay. Nanay Cora:Si Bernice na lang ang isasama ko,maiwan ka dito sa bahay at linisin mo ung kwarto nyo ni Bernice. Bella:Sige po nay.All Rights Reserved