
It all happened unexpectedly Kakarating lang nila galing sa mahabang byahe nung isang araw, habang naglalakad si Abby sa kanilang malaking bahay nagmumuni nang may biglang nasagip ang mga mata ni Abby, "Wow" ito ay isang lalaking nagtatrabaho sa kanilang pinapatayong bagong bahay o maliit na building. Lalaking nakasuot ng itim na damit at may mahabang buhok na kayang takpan ang mukha niya. Nung mga oras na yun iba na ang nararamdaman ni Abby parang nasa isip niya ganito pala, ganito pala ang pag ibig sa unang tingin, "huh" napatawa na lang si Abby sa kanyang isipan sabi niya " Paano pa kaya to nakakita? At paano ako magkakagusto sa isang taong hindi ko naman talaga nakita, ano to? Dahil sa buhok mag kakagustso ako? Hahaha" habang tumatawa umalis na siya. Nang makalipas ang ilang araw hindi maalis yung lalaki sa isipan ni Abby lagi ito hinahanap, at umabot pa ito sa puntong hindi ito makatulog dahil sa lalaking iyon. " Ano ba yan!" habang nagmumuni siya don lang naklarohan si Abby "Baka nga love at first sight na, hindi ako magkakaganito kung inamin ko sa sarili ko na nagustuahn ko na pala"All Rights Reserved
1 part