Si Lorde ay isang masayahin, kalog, matalino at gwapong estudyante na naninirahan sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya. Pero bukod sa kaniyang pagiging gwapo, gwapo din ang kanyang hanap. Maraming naging interesado sa kaniya ngunit hindi niya ito pinapansin kasi gusto niya munang makapag-concentrate sa pag-aaral upang matulungan niya ang kaniyang magulang sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Hindi naman maipagkakali na isa sa mga mamayang pamilya sa Pilipinas ang pamilya ni Leus. Malaki ang kanilang pamilya ngunit hindi ito kasing-saya katulad ng kanyang inaasam. Bukod sa saksakan ng pera ang nakukuha niya araw-araw, tanging atensyon at pagmamahal ang hiling niya mula sa kaniyang mga magulang na palaging busy sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya at mga negosyo at dahil dito hindi na nabibigyan ng pagkakataon na maramdaman ang pag-aaruga simula noong bata pa siya. Kilalang pasaway na estudyante si Leus. Maraming barkada at marami ring mga kaaway pero may isang bagay na proud na proud siya, HINDI PA SIYA NAGKAKA-GIRLFRIEND. Nagbakasyon si Lorde sa Pilipinas na kung saan doon din nag-krus ang kanilang landas. Tadhana nga naman. Naging magka-away nung una ngunit mas nanaig pa rin sa huli ang pagkaka-ibigan nilang dalawa. Lumipas ang mga panahon at naging mas malalim ang kanilang pagsasama. Ang tanong ... .. Mag-kaibigan nga lang ba sila hanggang ngayon o Magka-ibigan na? Nandito naman si Alexavier na ka-schoolmate lang ni Lorde at campus crush din. Ano ang papel niya sa buhay ni Lorde? Hanggang magka-ibigan nga lang ba sila o gagawa ng paraan si Alex upang maagaw niya si Lorde kay Leus.