Dangerous Apple

Dangerous Apple

  • WpView
    LECTURAS 23
  • WpVote
    Votos 2
  • WpPart
    Partes 1
WpMetadataReadContinúa5m
WpMetadataNoticeÚltima publicación mié, oct 6, 2021
Upang makalaya sa grupong kinabibilangan niya, ay kailangang gawin ni Apple Rivera ang huling misyon na iyon, ang manakaw ang flash drive na naglalaman ng mga tiwaling transaksyon ng taong nakaupo sa pwesto ng kanilang bayan. Dahil sa kasanayan ay nagawang pasukin ni Apple ang lugar ni Governor Ezra Ortega, ang lalaking may hawak ng flash drive at ang may nais magsiwalat ng korapsyon ng mga kapwa politiko. At ng mahawakan na niya ang natatanging susi na makakapagpalaya sa kanya sa grupo, isang baril ang hindi niya inaasahang maramdaman na nakatutok sa kanyang ulo. "Sinong nagpadala sa'yo rito? Bitawan mo 'yang hawak mo." sabi ng lalaking nasa likuran lamang niya. Ramdam niya ang lamig ng baril na idiniin pang lalo sa likuran ng kanyang ulo. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Laman lagi ito ng balita kaya hindi niya maipagkakamali ito sa iba. Isang maling galaw ay maaaring tuluyan siyang mamaalam sa mundo "Napag-utusan lang, Gov," unti-unti niyang binaba sa lamesa ang hawak na flash drive saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko, hindi siya pwedeng pumalpak. "Ah, pepitsyuging magnanakaw." sabi nito sa malamig na tinig. Nagtiim bagang siya sa narinig pero ayaw niyang magpadaig sa insulto nito. "Parehas lang tayo, Gov. 'Wag ka ng magkunwari. Ang kaibahan lang natin ay magnanakaw ako ng yamang mula sa masama, ikaw magnanakaw naman ng kaban ng bayan. " pauyam niyang sabi.
Todos los derechos reservados
Únete a la comunidad narrativa más grandeObtén recomendaciones personalizadas de historias, guarda tus favoritas en tu biblioteca, y comenta y vota para hacer crecer tu comunidad.
Illustration

Quizás también te guste

  • Tell Me You Love Me Too
  • GoGo Tomago x Maler Reader
  • HARMONY
  • Chupi Mohabbat (ON HOLD)
  • Chaos: The Spark Behind the Muse
  • Under His Control
  • MAD WOMAN

Umpisa pa lang alam ko sa sarili ko na hindi mo naman susuklian ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Una pa lang alam ko ng kapatid lang ang tingin mo sa akin habang sa kaniya tingin mo ay magiging asawa at maging nanay ng mga anak mo. Alam ko. Sa umpisa pa lang alam na alam ko. Pero kahit totoong alam ko sa sarili ko ang bagay na 'yan. Mas pinili kong magbulagbulagan kasi akala ko makikita mo din ako, hindi bilang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babae. Akala ko sa paglipas ng panahon ay matututunan mo din akong mahalin at piliin kahit pa iniwan ka niya. Akala ko mapapalitan ko siya sa puso mo. Ngunit sa paglipas ng panahon. Mas lalong maging malinaw ang lahat. Naging sobrang linaw na hindi na kayang maging bulag bulagan. Hindi ko maiwasang mag tanong kung anong mali sa sarili ko. Ako naman yung nandito sa tabi mo pero bakit hindi ako? Bakit kahit wala na siya ay kalaban ko pa din siya diyan sa puso mo? Bakit kahit wala na siya ay kahati ko pa din siya sa diyan sa atensyon mo? Bakit... Bakit hinihintay mo pa din siyang bumalik sa'yo?

Más detalles
WpActionLinkPautas de Contenido