35 parts Ongoing Ang Aethelgard ay isang mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang uri ng mga nilalang at elemento. Isang mundo ng mahika at ng mga lobo.
Isang magiting na hari ang namumuno sa buong Aethelgard, ang mapagmahal at matapang na hari na si Haring Pucini ng kaharian ng Sykan. Nagkaroon ng reyna ang kaharian ng Sykan, ito ay si Reyna Lunara, at biniyayaan sila ng apat na tagapagmana.
Natuwa ang Diyosa ng mga Winged Elf, kaya biniyayaan niya ang bawat isa ng kapangyarihan. Ang mga Winged Elf ay mga nilalang na naninirahan sa kalawakan. Sila ay sinadya upang sumagisag ng kagandahan, biyaya, at kadalisayan. Kaya rin nilang makita ang iba't-ibang kapalaran ng mga nilalang.
Ngunit isang kilalang soothsayer na nagmula sa malayong kabundukan, ang bumisita sa kaharian ng Sykan. Dala nito ang isang propesiya na nag-iwan ng maraming katanungan sa buong kaharian.
"Isang nilalang ang nakatakdang maghari, ang pagnanais sa kapangyarihan, ay magbubunga ng kaguluhan, na magiging sanhi ng pagkawasak ng mga mamamayan. Dugong buwan, kasabay ng pagtangis ng mundo, isang bagong pag-asa. Isang ina ang magsisilang ng sanggol na magdadala ng kapangyarihan, ang susi sa pagbubukas ng liwanag at kapayapaan sa gitna ng kadiliman."
Nagkaroon ng apat na kaharian na pinamumunuan ng apat na magkakapatid, ito ay ang kaharian ng AZRYA, ZLATAN, GOETIA, AT ASKATI.
~~~~~
SINO SA APAT NA MAGKAKAPATID ANG TINUTUKOY SA PROPESIYA?