Isang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay doon na siya sasaya pero magiging bangungot pala. Bangungot ang maging pag-aari ng isang Sean Villanueva sa maling paraang sinubukan niyang maitatama ang mali na nagawa niya. Paano niya ngayon haharapin ang desisyong minsan niyang hiniling pero nagbigay naman sakanya ng masalimuot na buhay?
Ara Sandoval & Sean Villanueva
17 Kapitel Abgeschlossene Geschichte Erwachseneninhalt
17 Kapitel
Abgeschlossene Geschichte
Erwachseneninhalt
Soon to be publish under Albatrozz Publishing House.
02/7/24-02/09/24.
PROLOGUE.
TAGAPAGMANA ng Veloso's ancestral mansion house sa bayan ng San Nicolas. Lumaki sa karangyaan at makapangyarihang angkan sa pamumulitika. Nasusunod ang lahat ng anumang gustuhin para sa sarili. At 'yan ang buhay ko bilang si Alexander Llore Veloso. Kilalang anak ng gobernador. Tinitingala ang aking ama bilang pinakama-impluwensyang gobernador sa buong bansa dahil sa mga proyekto na matagumpay niyang nagawa. Siya rin ang dahilan kung bakit umuunlad ang ekonomiya ng San Nicolas at walang nais na pumalit sa posisyon niya.
Hanggang sa taong 2015, Isang babae ang aking nakilala sa bar na pag-aari ng kaibigan ko. Sawsawan ng bayan ang tawag sa kaniya. Kilala bilang malandi at kirida ng mga mayayamang lalaki sa San Nicolas. Siya si Noreen Cervantes. Binansagang maduming babae dahil sa masalimuot na pinagdaanan niya sa buhay. Sumasayaw siya sa entablado na walang saplot at tanging sapatos lang ang suot. Iba't ibang lalaki ang kinakasama para lamang kumita ng barya. Ngunit kahit gano'n ang naging trabaho niya ay tinanggap ko ng buong-buo ang pagkatao niya. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kaniya.
Nahanap namin sa isa't isa ang pagmamahal na kulang sa aming buhay. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay halos ibinuhos ko ang lahat ng bagay na mayroon ako. Ngunit isang kumplikadong sitwasyon ang tumapos sa magandang relasyon na binubuo naming dalawa. Nasangkot sa isang matinding aksidente ang buhay ko.
Hindi ko siya maalala. Hindi ko matandaan kung sino siya sa buhay ko. Wala akong matandaan sa nakaraan.
Makalilimot nga ba ang utak ngunit hindi ang puso?