The Cavaliers: BREY
  • Reads 201,721
  • Votes 5,022
  • Parts 17
  • Reads 201,721
  • Votes 5,022
  • Parts 17
Complete, First published Dec 20, 2014
The Cavaliers Book 1

“Hindi ako marunong umatras sa laban, lalo na kapag pag-ibig ang usapan.”


Kung kalian nag-aagaw-buhay, saka naman tumibok ang puso ni Brey. Sino naman kasi ang hindi mai-in love sa isang babae na tila ipinaglihi kay Barbie Doll? Lalo pa at kinantahan at hinalikan siya nito. Kaya kasehodang naka-wheelchair siya, handa siyang ipahayag ang nadarama para kay Ava. Pero mailap ito kaya hiningi niya ang tulong ng personal assistant nitong si Madie. Sinuyo niya ito para ilakad siya nito kay Ava. Pero bakit ganoon? Sa katagalan ay mas excited siyang makipagkita kay Madie—hindi upang makibalita rito tungkol kay Ava kundi dahil gusto niyang makita si Madie mismo. Daig pa nito ang isang iskultor dahil tila naiukit nito ang sarili nito sa isip niya—hindi nabubura.
All Rights Reserved
Sign up to add The Cavaliers: BREY to your library and receive updates
or
#8militarystory
Content Guidelines
You may also like
When He Cries by TheLadder89
22 parts Complete
Palagi nating nakikita, nababasa at napapanood na ang lalaki ang knight in shining armor na tagapagligtas ng mga babae nanganganib o nalulugmok at ang mga babae naman ang damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas sa kapahamakan at tagabuo ng durog na puso. Paano kung ang lalaki naman ngayon ang nasaktan, nadurog, at kailangan ng tagapagligtas? Ano ang gagawin nila kung sila naman ang nalugmok at kailangan ng mag-aahon sa dilim pinagsadlakan sa kanila ng pangit na karanasan sa pag-ibig? Isang matalinong tao, alerto at mapagmahal, at gwapo. Pagdating sa pag-ibig ay buhos-buhos siya. Nasaktan nang niloko at hiwalayan ng nag-iisang babaeng tanging minahal, upang matuklasan lamang niyang may iba na pala ito. Ilang beses pa ba niya ipagwawalangbahala ang mga senyales na matagal na niyang nakikita. Sapat na ba ang pag-ibig niya para mapanatili ang kasintahan sa kanyang piling? Isang mabait siyang anak, maganda at matalino. Kabaligtaran naman siya pagdating sa pag-ibig. Harapang niloloko ng kanyang kasintahan ngunit pikit-mata niyang tinatanggap kahit na malayo siya sa pamilya niya. Ilang beses pa niyang lulunukin ang kanyang pride bago siya magising sa katotohanang hindi naman siya totoong mahal ng kanyang iniibig? Isang umaga, nagising na lamang siyang tapos na ang lahat para sa kanya. Pagod na siya at wala nang nararamdaman para sa kasintahan. Kaya napagpasiyahan niyang tapusin na ang lahat. Si Teacher Maine at Doc Alden ay pinagtagpo ng tadhana sa hindi inaasahang pagkakataon. Dalawang taong may kakaibang pinagdaanan sa pag-ibig na pinagkrus ang landas ng isang manipis na dingding at apartment dumpster. Parehong nagmahal, isang natauhan at isang nabigo. Parehong niloko ngunit ang isa ay hayagang bumangon at ang isa ay nagkukubli. Parehong umibig, parehong niloko, parehong sinaktan, isang nagising sa katotohanan at isang hindi makausad. When He Cries ©All Rights Reserved February 16, 2020 Photo cover: Desygner
You may also like
Slide 1 of 10
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) cover
The Martinez Siblings Book III: Forever after all (Unpublished @PHR/ unedited) cover
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) cover
Adam's Sassy Girl by Dawn Igloria cover
MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOM cover
If Only You Loved Me | ✓ cover
Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect Chance cover
Barely Heiresses - VERA MAE cover
Typical Heartbreaker (Heartbreakers Series #1) cover
When He Cries cover

Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR)

24 parts Complete

Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...