Dahil sa hininga ni Bathala, nagkabuhay ang Salamin ng Daigdig. At doon sa Kapuluan ng mga Pinagsama, ang Maharani ang nananaig. Taglay niya ang Sagisag ng Bawa, upang mamuno sa madla. Mga tumao, lamanlupa, at tao, sa kanya yumuyuko. Ngunit nang siya'y dapuan ng karamdaman, hindi inakala ninuman, manganganib ang kanilang bayan, pagkat dayo pala ang kanilang Lakan. Sa Dating Daigdig siya nagbuhat, bitbit ang kapangyarihan ng kidlat. Ngunit tila hindi ito sapat, dahil mga kalaba'y nakasambulat. Tanging hangad, siya'y hadlangan, at agawin ang kapangyarihan. Dahil bago pala makamit ang Sagisag ng Bawa, sinusukat muna ang puso at diwa. Dumaraan sa tatlong pagsubok, bago siya sa trono maluklok. Kaya't ating tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Lakan Bulan! ------------------------------ Ito'y isang kuwento tungkol sa mga mambabarang, tumao (engkanto), lamanlupa (duwende), kapre, Bawa, at Bakunawa, at kung paano ang isang binata ay itinakda ng tadhanang mamuno sa kanila, sa ayaw man niya o gusto. Tanggapin kaya niya ang tungkulin kung manganganib naman ang kanyang buhay? Cover design by gizellethepebble
32 parts