Paano kung ang isang taong inaakala moy sunud-sunuran lang sayo, na walang alam gawin kundi umiyak, at sundin lang lahat ng naisin mo. Ang akala mong tahimik, hindi pala may itinatago palang tapang na higit pa sa inakala mo. Yung taong sinasabihan mo palagi ng tanga, bobo, walang kuwenta, basura at kung anu-ano pang masasakit na salita ay masahol pa pala sa tigre kung magalit kulang nalang magbuga ng apoy ang bunganga nito na parang dragon. Ang taong akala moy walang alam ang siya palang gigising sa iyong kamalayan hindi lang sayo kung hindi sa iyong buong pamilya. Isang taong maglalagay sayo sa isang hindi katanggap-tangap na pangyayari. Isang taong ipaglalaban kung ano ang tama susuungin niya ang lahat makamit lang ang minimithing katarungan para sa kanyang pamilya. May pamamahal pa kayang natitira kung suko hanggang langit ang galit niyo sa isat-isa. Paano mo tatanggapin ang katotohanan na lahat pala ng nakita at narinig mo ay pawang kasinungalingan lang lahat. Ano ang iyong gagawing para mapaamo ang isang tigre? May pag-ibig pa bang natitira sa mga pusong binalot na ng matinding pout? ....kaya mo bang sabihin na kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, na kaya mo itong ibasura......kiss and say... "I LOVE YOU, GOODBYE" then.
32 parts