Si Aryana Anchilles ang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian, sa murang edad ay ipapamalas ito sa kanya ng kanyang mga magulang sa mismo niyang kaarawan, subalit hindi inaasahan ang sakunang mangyayari. Pinagtangkaan siyang halayin sa mismong araw na iyon, ang lalaking labis niyang iniibig ang siyang nagmukhang may sala kahit pa ito naman ang tunay na nagsagip sa kanya mula sa kapahamakan. Kaawa-awang nasawi ang lalaking kanyang minamahal. Sa labis na pagdadalamhati ay parang nasisiraan ng bait siyang humingi ng tulong sa naghihimalang bundok ng Maria Makiling, nagising nalang siya sa hindi inaasahang panahon. Muli siyang bumalik sa kanilang nakaraan kung saan niya ito unang nakilala. Mapagtatagumpayan ba niya ang planong malinis ang pangalan at mailigtas ang kanyang minamahal? O mapapasawalang bahala nalang ang kanyang mga sakripisyo dahil sa mga natuklasan niyang sikreto mula sa rito. Whatever happens iisa lang ang kanyang alam, she's ready to Voyage in Time just to save her one and only love, Nathaniel Castillo.