Gusto lang naman ni Adaline na maging maayos ang buhay. Ngunit dahil sa labis na kahirapan na kaniyang kinamulatan, kailangan niyang tanggapin ang reyalidad. Nakipagsapalaran ito sa syudad ngunit alam niya na walang tatanggap sa kaniya dahil hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil sa isang alok ng isang babaeng kagaya niya na nagmula rin sa hirap ay sinikmura niya itong tanggapin, alang-alang sa pamilyang pinangakuan niyang bibigyan niya ng magandang buhay. Labag man sa kalooban niya na gawin iyon ay wala na rin siyang ibang ginawa kundi mahalin ang trabaho. Ngunit bago niya maasam ang magandang buhay na kaniyang pinangarap, kailangan na muna niyang humanap ng isang taong hindi mag-aatubiling bilhin siya sa kahit na magkanong halaga, na pikit-mata niyang ibibigay ang presyo ng kaniyang pagkatao. Started: October 01, 2021 Ended: February 20, 2022 Published: July 01, 2022