"Two old sweethearts who fell apart,
somewhere long ago.
How are they to know?
Someday they'd meet again,
and have a need for more than reminiscing."
Bridgette de Leon made the bitter decision of leaving Marcus Villareal for good outside his hospital room, as she watched him fight for his life while praying for his recovery. Napagnilayan at napagsisihan niya na ang lahat ng pagkakamali niya, at alam niyang ang paglayo kay Marcus ang makabubuti para sa kanya, para sa kanilang dalawa.
Did she decide to leave him for his safety? Yes. Did she do that to secure the bright future that waits ahead of him? Definitely. Pero hindi lamang ang mga 'yon ang pinaka-mabibigat na dahilan kung bakit kinailangan niyang lumayo.
Magkahawak ang kamay nila ni Stella, at hindi niya alam kung sino sa kanilang dalawa ang nanginginig nang sobra pero pakiramdam niya, siya. Hinang-hina siya sa pagkakataong ito at hindi niya kakayaning malayo pa sa nagbibigay sa kanya ng lakas, pero kailangan siya na mismo ang maging malakas ngayon.
"Masaya ako sa pag-alis ko ngayon dahil alam kong hindi na niya mararamdamang nag-iisa siya." Aniya sa mga magulang ni Marcus bago tuluyang nagpaalam na.
Ngunit habang naglalakad palayo, tumulo na naman nang sunod-sunod ang mga luha niya at kapagkuwa'y napahawak sa tiyan at marahang hinaplos iyon.
Hindi na mararamdaman ni Marcus na nag-iisa siya...
...at gano'n din siya, kasama ang anak nila.