Walang madali sa buhay. Dahil problema ang isa sa mga bagay na hindi kahit kailan mawawala sa mundo. Parang buhay na lang ni CJ. Sa tambak tambak na problema niya ay hindi na niya alam kung may problema nga ba siya. Walang madali sa pamilya. Walang madali sa pera. Walang madali sa pag-aaral at lalong lalo na na walang madali para sa sarili. At sa lahat ng bagay na hindi niya iniisip, pag-ibig ang hindi niya problema. Hindi dahil sa ayaw niya na parang ganon na nga? Pero mukha yatang paborito siya ng langit, dahil paggising na lang niya isang umaga, may anim na tao ang naghihintay sa kanya para lang...manligaw. "Lord, ang daming gustong makaranas ng first love, great love, right love, pero bakit ako pa binigyan ni'yo ng problematic love? What if pera na lang ibigay niyo??"