Ano ba ang pag-ibig? Para sa normal na mga tao, ang pag-ibig ay isang bagay na hindi nahahawakan pero nararamdaman, Pero para sa kanya isang letche sa buhay lang ang pag-ibig. Wala syang ibang ginawa sa buhay nya kundi ang tumulong sa kanyang pamilya, mahirap lamang sila pero masayang-masaya ang pagsasamahan nila, halos perpekto na nga. Hanggang sa nakilala nya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Ngunit hindi nya alam na may tinatago pala ito. Ito ay isang prinsipe ng mga bampira. May mission ang prinsipe, at ito ay ang kinakailangang mapaibig si Leslaina sa loob ng 100 days.