Sa isang maliit na barrio sa isla ng Samar. May isang kwentong pinag-uusapan ang lahat. Ang 18 years old na anak nina Aling Martha at Mang Romualdo ay nawawala. Sa loob ng maraming taon, bukod sa paisa-isang nawawalang mga alagang manok kahit kailan ay hindi pa nakaingkwentro ang lokal na pulis nang kaso ng isang nawawalang dalaga. Ang suspetsya? "Ni-rape siguro tapos pinatay at tinapon sa dagat." Ang opinyon ni Aling Marites. Isa siya sa iilang may bahay na bato sa isla at nagmamay-ari ng isang sari-sari store. "Baka naman nag-tanan" ang sabi ni Aling Trina na matalik na kaibigan ni Aling Marites. Maraming haka-haka. Maraming opinyon. Pero ang totoo, nasaan nga ba si Carla? Ang Ex-boyfriend. Ang best friend. Ang mga kaklase. Ang mga pinsan. Ang mga kapitbahay. Lahat ay suspek, lahat ay maaaring kasabwat. Ano nga bang nangyari kay Carla? Nasaan nga ba siya?