Dalawang puso ang iibig.
Dalawang puso ang magsasaya.
Si Maria ay isang dalagita na iibig sa isang binatang lalaki na si Joselito. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang istorya? Sila ba'y magiging masaya? O pareho silang mawawasak?
Tadhana Goals Series: Book 1
Namulat ang dalagang si Ysabel na may galit sa ama, dahil ito ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid at ina.
Sa kabila ng galit na namumutawi sa kanyang puso ay hindi pa rin niya naiwasang hindi mahulog ang loob sa kinikilalang presidente sa kanilang unibersidad na pinapasukan. Pero hindi niya iyon ipinapahalata sa binata bagkus ay mahigpit na inililihim sa lahat. Dahil para sa kanya, ang pag-ibig ang pinaka-komplikadong bagay sa mundo. At ayaw niyang malagay sa komplikadong sitwasyon.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob sa kanya ng kanilang presidente. At hindi alam ni Ysabel ang gagawin ng manligaw ito sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang niya na nobyo na niya ang binata.
Sa kalagitnaan ng kanilang umuusbong na relasyon ay dumating ang kababatang unang nagpatibok sa puso ng binata.
Ano na kaya ang susunod na mangyayari?
Mas pipiliin kaya ng binata si Ysabel kaysa sa dating minamahal? O maiiwan na naman muli na nag-iisa ang dalaga?
Kung oo, paano kaya niya tatanggapin ang muling pagkadurog ng kanyang puso dahil sa posibleng pagkawala na naman ng minamahal?