Isang lalaki na nasakanya na Ang lahat pera, tao, kagwapuhan, kompletong pamilya at higit sa lahat habulin Ng babae ngunit kahit ilang babae pa Ang humabol sa kanya ay baliwala lang sa kanya dahil kahit Minsan ay Hindi pa Siya na iinlove dahil Siya ay napaka cold,masungit at tahimik pero pag Siya na Ang kinalaban mo o kinana mo ang mga tanong mahahalaga sa kanya ay tiyak na Hindi ka Niya sasantuhin. At Hindi lingid sa mga taong nakapaligid sa kanya Ang kaniyang tinatago-tago na mag papagulo sa kanyang Buhay. Isang babaeng lumaking walang karangyaan, ngunit may Masaya at kompletong pamilya Hindi lamang Siya Basta Isang babae Isang siyang maganda o tawagin Ng iba na parang diyosa dahil sa angking kagandahan at sa hubog na hubog na pangangatawan. At Hindi lamang Siya hinahangaan dahil sa anyong panlabas Siya din ay hinahangaan dahil sa kanyang kabutihan. Ngunit Isang pangyayari Ang makakapag pabago Ng kaniyang Buhay at ito Ang sekretong tinatago-tago Ng kanyang mahal sa buhay. Dalawang tao magtatagpo Ng dahil sa isang panyayari, dalawang tao mahuhulog sa isa't-isa, dalawang tao na may magkaibang Mundo, dawalang tao na susubukin Ng Tadhana, at dalawang tao na gagawin Ang lahat alang-alang sa mga taong minamahal. Ating subay-bayan Ang mga pangyayari sa buhay Ng mga tauhan sa kwentong ito, at Kung paano nila kahaharapin Ang lahat Ng pagsubok na mag kasama #myfirststory #hopeyoulikemyfirststory ⚠️ Ang kwento na ito ay para lamang sa mga 18 Years old pataas Ang kwentong ito ay may RATED SPG
4 parts