Katelyn Chua, isang successful business woman, nasa kanya na lahat, talino, ganda, yaman, masayang pamilya. Masasabi na nga na isa siyang perfect girl with a perfect life. Isa siyang dream girl ng bawat kalalakihan sa mundo, pero may isang bagay ang hindi alam ng karamihan tungkol sa kanya, isang bagay na kanyang itinatago para sa reputasyong kanyang iniingatan at inaalagaan, dahil ang babaeng tinitingala at hinahangaan ng lahat, ang babaeng perpekto sa paningin ng lahat ay kabaligtaran pala nito dahil isa pala siyang MISTRESS. Paano niya maipaglalaban ang lalaking mahal na mahal niya kung isa lang siyang mistress? Isa siyang kabit. Kabit na ang tingin ng karamihan ay isang malanding babae na sumisira sa samahan ng mag-asawa at sumisira ng pamilya. Kabit na ni minsan walang karapatan para sa lalaking mahal niya. Kabit na wala namang ibang ginawa kundi magmahal. Pero paano nga ba niya maipaglalaban ang karapatan niya kung sa simula naman ay sa kanya ang lalaking kinakabitan niya ngayon? Paano niya ipaiintindi sa lahat na isa lang siyang babaeng sobrang nagmamahal sa lalaking unang naging kanya? Matitiis niya ba lahat ng pang aalipusta at mapanghusgang mata ng lahat? Tunay nga kayang salot sa lipunan ang mga kabit? May puwang pa kaya sa mundong
mapanghusga ang mga babaeng tinatawag na MISTRESS?
NOTE: Some content may not be suitable for young readers.
Anong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, mayabang at makasarili. Isang tao walang ibang inisip kundi mabuhay ng tahimik at magkaroon ng pera para mabuhay ang sarili.
Sabi nila, the beauty is in the eye of the beholder.
Sa kaso ng kwento ng pag-ibig ni Austin, magawa nya kayang makita ang sinasabing "beauty" sa multong magpapagulo sa tahimik na mundo nya?
Meet Serenity. Well, mahirap syang i-meet dahil naiiba sya sa iba pang mga babae. Hindi sya basta-bastang babae lang dahil multo sya. Isang multong ubod ng kulit, ingay at punong puno ng kalokohan.
Paano kung magtagpo ang landas nilang dalawa?
Will it be possible for a ghost and a mortal to have an happy ending and forever? Or will they end up hurting each other and leaving their memories into experiences?
Pasukin ang kakaibang kwento ng pag-ibig na magpapakilig, magpapatawa at magpapalungkot sa'yo. "HOY MULTO! Inlab ako sa'yo."