Bata pa lamang si July ay hangad niya na ang simpleng buhay. Malayo sa siyudad at malayo sa gulo, ito lamang ang pangarap niya. Pagmamahal lang ng kaniyang pamilya ay sapat na sakaniya. At higit sa lahat, ang baryong Aragon, ang kaniyang tahanan. Ngunit tila ba kalaban niya ang tadhana nang kinailangan niya itong lisanin at manirahan sa lugar na kaniyang kinatatakutan, ang siyudad. Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, mananatili kaya ang kaniyang mga bangungot ng nakaraan, o mabibigyan siya ng pagkakataong magbagong buhay kasabay ng mga bagon tao na bubuong muli sa kaniyang pagkatao?