[COMPLETED] Si Lucas, isang matalino't mahusay na computer programmer at isa ding baguhang part time instructor sa isang community college. Dahil bilang isang bread winner sa kanilang pamilya, kailangan niyang magkayod at mag-ipon ng pera upang mabayaran ang kanilang mga inutang noong siya'y nag-aaral pa lamang ng kolehiyo. Naging instructor siya sa programming ng mga baguhang estudyante at inalukan din siya maging isang teacher assistant ng isang grupo ng third year I.T students para sa kanilang capstone project. Doon niya nakilala ang isang babaeng hindi makabasag pinggan ngunit nang lubos niya itong makilala ay kakaiba din pala. Ang babaeng ito na nga ba ang daan upang maramdaman muli ni lucas ang epekto ng pag-ibig at pagmamahal? O, pipiliin ni lucas ang tama at uunahin ang isipan bago ang kaniyang puso? O, may iba pang balak ang tadhana't oras para sa kaniya? Story Started: November 05, 2021 Story Ended: April 9, 2023